|
|
|
Mga Misteryo ng Santo Rosaryo
|
|
Mga Misteryo ng Tuwa
(Tuwing Lunes at Sabado)
|
1. Ang Pagabati ng Anghel kay Santa Maria
2. Ang Pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Elizabeth
3. Ang Pagsilang ng Ating Panginoon
4. Ang Paghahandog kay Hesus sa Templo
5. Ang Pagkatagpo kay Hesus sa loob ng Templo
|
|
Mga Misteryo ng Hapis
(Tuwing Lunes at Sabado)
|
1. Ang Paghihirap ng Panginoon sa Getsemane
2. Ang Paghampas kay Hesus sa Haliging Bato
3. Ang Pagputong ng Koronang Tinik kay Hesus
4. Ang Pagpasan ng Krus
5. Ang Pagpako at Pagkamatay ni Hesus sa Krus
|
|
Mga Misteryo ng Luwalhati
(Tuwing Miyerkules at Linggo)
|
1. Ang Muling Pagkabuhay ni Hesus
2. Ang Pag-akyat sa Langit ni Hesus
3. Ang Pagbaba ng Espiritu Santo sa mga Apostol
4. Ang Pagpa-akyat sa Langit ng Mahal na Birhen
5. Ang Pagputong ng Korona sa Mahal na Birhen
|
|
Mga Misteryo ng Liwanang
(Tuwing Huwebes)
|
1. Ang Binyag ni Kristo
2. Ang Kasalan sa Cana
3. Ang Pagpahayag ng Pagdating ng Kaharian ng Diyos
4. Ang Pagbagong-anyo ni Kristo
5. Ang Institusyon ng Eukaristiya
|
|
Back to top
|
Ang Pag-aantanda ng Krus
|
|
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
|
|
Back to top
|
Ang Sumasampalataya
|
|
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesu Kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao sia lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato. Ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang, paririto at huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
|
|
Back to top
|
Ama Namin
|
|
Ama naming, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan Mo; mapasa-amin ang kaharian Mo; sundin ang loob Mo ditto sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon n gaming kakanin sa araw-araw at patawaring Mo kami sa nagkakasala sa amin; at huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.
|
|
Back to top
|
Aba Ginoong Maria
|
|
Aba, Ginoong Maria! Napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo; bukod kang pinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kami'y mamamatay. Amen.
|
|
Back to top
|
Luwalhati
|
|
Luwalhati sa Ama. Sa Anak, at sa Espiritu Santo. Kapara noong unang-una, ngayon at magpasawalang hanggan. Amen.
|
|
Back to top
|
Panalangin ng Fatima
|
|
O Hesus, patawarin Mo kami sa aming mga kasalanan, iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno, dalhin Mo sa langit ang mga kaluluwa lalung-lalo na yaong totoong nangangailangan ng iyong awa.
|
|
Back to top
|
Aba Po, Santa Mariang Birhen
|
Aba po, Santa Mariang Reyna, Ina ng Awa. Aba, aming buhay, katamisan at pat-asa. Sa iyo kami nananawagan, kaming itinaboy na mga anak ni Eva; sa iyo naming ipinararating an gaming mga himutok, dalamhati at pagluha sa lupang itong kahapis-hapis. Ibaling mo sa amin, magiliw na taga-tangkilik, ang iyong mga matang maawain, at kung matapos yaring buhay, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. O maawain, mapagmahal at matamis na Birheng Maria.
Ipanalangin mo kami Santa Mariang Ina ng Diyos. Nang kami ay maging dapat makinabang sa pangako ni Hesukristong Panginoon naming. Amen.
|
|
Back to top
|
Ang Ina ng Lahat ng mga Bansa
(Dasalin Pagkatapos ng Aba Po, Santa Mariang Birhen)
|
|
Panginoong Hesukristo, Anak ng Ama, ipadala mo ngayon ang iyong Espiritu sa sangkalupaan. Loobin mong Manahan ang Banal na Espiritu sa puso't diwa ng lahat ng mga bansa, nang mapangalagaan sila't mailigtas sa panghihinawa, kasawiang-palad at salot ng digmaan. Nawa ang Ina ng lahat ng mga bansa, noon pa ma'y nakikilala na sa pangalang Maria, ay aming maging tagapagsanggalang. Siya nawa.
|
|
Back to top
Mga Dalangin ng Awa
(Chaplet of Divine Mercy)
(Dasalin sa mga butyl ng rosaryo)
|
Sa umpisa, dasalin ang:
Isang Ama Namin
Isang Aba Ginoong Maria
Isang Sumasampalataya Ako
Sa lahat ng butyl ng "Ama Namin" ay dasalin ang mga panalanging ito:
Ama na walang Hanggan, inaalay ko po sa Iyo ang Katawan at Dugo, Kaluluwa at pagka-Diyos ng Kamahal-mahalan Mong Anak na si Hesukristo, na aming Panginoon at Manunubos, para sa ikapagpapatawad n gaming mga sala at sa sala ng buong sansinukob.
Sa lahat ng butyl ng "Aba Ginoong Maria" ay dasalin naman ang mga panalanging ito:
Alang-alang sa mga tiniis na hirap at kamatayan ni Hesus, kaawaan mo po kami at ang buong sansinukob.
Bilang pangwakas:
Banal na Diyos, Banal na Pusos ng Kapangyarihan, Banal na walang Hanggan, maawa po kayo sa amin at sa buong sansinukob. Amen. (3 ulit)
O Hesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo.
|
|
Back to top
|
Panalangin sa Ika-Tatlo ng Hapon
(The 3 o'clock Prayer)
|
Pumanaw Ka, Hesus, subalit ang Bukal ng Buhay ay bumalong para sa mga kaluluwa at ang Karagatan ng Awa ay bumugso para sa sanlibutan. O Bukal ng Buhay, Walang Hanggang Awa ng Diyos, yakapin Mo ang sangkatauhan at ibuhos Mong ganap ang Iyong sarili para sa aming lahat.
O Banal na Dugo at Tubig, na dumaloy mula sa Puso ni Hesus bilang Bukal ng Awa para sa aming Lahat, ako ay nananalig sa Iyo.
Banal na Diyos, Banal na Puspos ng Kapangyarihan, Banal na Walang Hanggan, maawa Po Kayo sa amin at sa buong sansinukob. (3X) Amen.
O Hesus, Hari ng Awa, kami ay nananalig sa Iyo!
|
|
Back to top
|
|